Ito ang paniniwala ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, dahil lumaki ang tsansa ng kanyang ina na manalo sa darating na mayoralty race kung anim ang lalahok sa 2007 elections.
Ayon kay Rep. Marcos, mas mainam na pagkakataon ang muling pagsabak ng kanyang ina sa pulitika lalo sa Maynila kung saan ay marami ang nag-aambisyong makuha ang pagiging pinuno ng lungsod.
Ilan sa lumulutang na tatakbong alkalde ng Maynila ay sina Ali Atienza, anak ni Mayor Lito Atienza; Vice-Mayor Danilo Lacuna, Mark Jimenez, Manila Rep. Joey Hizon, Sen. Alfredo Lim at Sen. Panfilo Lacson.
"Kung sabay-sabay silang tatakbo sa tingin ko nasa advantage ang nanay ko. Tiyak na mahahati ang boto nila samantalang ang nanay ko ay may solidong boto sa Maynila," wika pa ni Imee.
Ipinagmalaki pa ng lady solon na malakas ang kanyang ina sa mga depressed areas ng Maynila tulad ng Sampaloc, Tondo, Quiapo, Sta. Cruz, Binondo, San Miguel at iba pang lugar sa lungsod dahil sa naging tulong nito sa mga residente noong Marcos era.
Kinumpirma din ni Rep. Marcos, na magdedeklara ng kandidatura ang kanyang ina sa pagiging alkalde ng Maynila sa susunod na buwan. (Malou Escudero)