^

Bansa

DOH bantay-sarado vs ‘deadlier bird flu’: Killer virus alert!

- Danilo Garcia -
Nanganganib ang Metro Manila sa posibleng pagpasok ng isang mas malakas na bird flu virus.

Dahil dito, mahigpit ngayong binabantayan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagpasok ng mas mapanganib na ‘bird flu virus’ kaya gagamitin ang mga pasilidad at pagamutan na inihanda noon para sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Ayon kay Dr. Luningning Villa, pinuno ng infectious and emerging diseases ng DOH, ipinabatid sa kanila ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) na walang kapabilidad ang bansa sa pagresponde sa posibleng pagpasok ng kinatatakutang avian flu o H5N1 virus sa bansa.

Nabatid ng DOH na mas mapanganib ang bagong bird flu virus dahil sa maaaring mag-mutate ito at humalo sa ibang uri ng influenza virus kaya magiging mas mahirap madetermina ito.

Inalerto ng DOH ang lahat ng pagamutan at mga medical facilities na ihanda ang mga kagamitan noong kasagsagan ng SARS para magamit ito sa kinatatakutang bird flu virus.

Sa nasabing mga pasilidad balak i-contain ng DOH ang mga tatamaan ng virus sakaling tumama ito sa bansa at maging "human to human".

Sakaling makapasok sa bansa ang nasabing virus, pinangangambahang ang unang maapektuhan nito ay ang Metro Manila dahil sa pagiging ‘congested’ nito.

Uumpisahan na rin ng DOH na makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources, Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry para palakasin ang pagmo-monitor sa mga ‘migratory birds’ buhat sa Indonesia at Thailand na may pinakamataas na kaso ng bird flu sa kasalukuyan.

Sa kabila nito, inihayag ni Dr. Villa na nananatiling ligtas pa rin ang Pilipinas mula sa bird flu virus ngunit hindi tayo dapat maging pabaya dahil sa kawalan natin ng sapat na paghahanda at kapabilidad para masawata ang bird flu virus sakaling maapektuhan ang ating bansa.

BIRD

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LUNINGNING VILLA

DR. VILLA

FLU

METRO MANILA

VIRUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with