Sa 13-pahinang motion, iginiit ng mambabatas sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Jose Bernas na umabuso umano sa kanyang kapangyarihan si Pasay City RTC Judge Jesus Mupas matapos ibasura ang kanyang petition for intervention.
Aniya, una na umanong pumayag si Mupas na mapasama siya bilang intervenor sa naturang usapin matapos na magpalabas ito ng omnibus order noong Dec. 13, 2005 at ang nasabing kautusan ay maituturing na umanong pinal dahil sa wala naman anyang umapela na kahit na sinong partido sa kaso.
Kuwestyunable rin umano ang ginawang pagpayag ni Mupas sa naturang desisyon noong Aug. 8, 2006 na makapaghain muli ng ikalawang motion for reconsideration ang mga empleyado ng Piatco na nagsumite ng nasabing motion noong Dec. 21, 2005.
Aniya, legal ang kanyang pakikialam sa kaso dahil apektado umano siya kung matutuloy ang pagbabayad ng gobyerno sa Piatco. At bilang isang mambabatas, ay mayroon umano siyang kapangyarihan na makialam dito at ito ay una ng kinatigan ng Korte Suprema. (Grace dela Cruz)