Nagbabala naman si Shell spokesperson Robert Kanapi na maaari umanong tumaas ang halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga susunod na araw. Sinabi nito na hindi nila itinataas ang halaga ng LPG noong mga nakaraang araw kahit na tumataas ang halaga nito sa merkado.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Arroyo ang muling pagtaas ng halaga ng piso sa palitang P50.80-$1. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtala ng ganitong katatagan ang piso pagkaraan ng apat na taon. Ayon sa Pangulo, ang pagtatag na ito ng piso ay patunay na lumalakas ang ekonomiya. (EBalasa/LATolentino)