^

Bansa

P1 rolbak sa gasolina, kerosene; .50 sa diesel

-
Matapos na makabawi ang halaga ng piso laban sa dolyar ay nagbawas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis. P1 kada litro sa gasoline at kerosene ang ibinaba ng Shell, Petron at Chevron (Caltex) habang P.50 sentimos naman kada litro sa diesel.

Nagbabala naman si Shell spokesperson Robert Kanapi na maaari umanong tumaas ang halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga susunod na araw. Sinabi nito na hindi nila itinataas ang halaga ng LPG noong mga nakaraang araw kahit na tumataas ang halaga nito sa merkado.

Ikinatuwa naman ni Pangulong Arroyo ang muling pagtaas ng halaga ng piso sa palitang P50.80-$1. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtala ng ganitong katatagan ang piso pagkaraan ng apat na taon. Ayon sa Pangulo, ang pagtatag na ito ng piso ay patunay na lumalakas ang ekonomiya. (EBalasa/LATolentino)

AYON

CALTEX

EALASA

IKINATUWA

MATAPOS

NAGBABALA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROBERT KANAPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with