^

Bansa

Cayetano pinagbibitiw ni FG

-
Hinamon kahapon ni First Gentleman Mike Arroyo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na maging halimbawa sa pagpapahalaga sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbibitiw bilang congressman matapos ang hindi maikakailang katibayan ng pagsisinungaling umano ng kongresista.

Dumating nitong Lunes ng gabi si Mr. Arroyo mula sa Germany dala ang anya’y certification ng HypoVereinsbank sa Munich na nagsasaad na walang account doon ang isang Mr. Jose Miguel Arroyo na naglalaman ng daang milyong dolyares.

Ibinasura rin ni Romulo Macalintal, abogado ng Pangulo at sumama kay FG sa Germany, ang pahayag ni Cayetano na ang account number sa sertipikasyon ng bangko kay FG ay peke.

"Ang account number ay nanggaling kay Cong. Cayetano. Si Cong. Cayetano ang nagbigay ng pangalan ng bangko, hindi kami. Inimbitahan ni Mr. Arroyo si Congressman Cayetano na sumama sa kanya sa Germany subalit tumanggi ang congressman kaya hindi niya maaaring sabihing peke ang account number," ani Macalintal.

Hinimok ni Macalintal na aminin na lamang ang pagkakamali nito sa pagpaparatang ng mga kasinungalingan o harapin na lamang si Ginoong Arroyo sa prosecutor’s office dahil sa libel na nakatakdang isampa ng huli.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

CONGRESSMAN CAYETANO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINOONG ARROYO

MACALINTAL

MR. ARROYO

MR. JOSE MIGUEL ARROYO

ROMULO MACALINTAL

SI CONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with