Buhok dadalhin sa Guimaras: Mga preso nagpakalbo
August 30, 2006 | 12:00am
Upang makatulong na malinis ng tuluyan ang baybayin ng Guimaras mula sa oil spill, nagpasya ang pamunuan ng Quezon City Jail (QCJ) at National Bureau of Prison (NBP) na ipagkaloob ang buhok ng may 22,400 mga preso na magpapakalbo sa mga naturang kulungan sa bansa.
Bago simulan ngayong Miyerkules ni NBP Chief Vicente Vinarao ang pagpapakalbo sa kanilang 19,000 inmates sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, alas-3 kahapon ng hapon ay inumpisahan na ang pagpapakalbo sa may 3,400 preso ng QCJ.
Unang inatasan ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Gen. Antonio Cruz si QCJ Warden Supt. Ignacio S. Pantina na agad ipatupad ang "Oplan Gupit-Buhok" sa mga presong hawak nito.
Ayon kay Gen. Cruz, kapag umepekto ang mga ipadadalang buhok ng mga preso sa Guimaras imumungkahi niya sa pamahalaan na kung maari ay lahat ng mga presong lalaki na sakop ng BJMP ay magpakalbo na.
Sa ganitong paraan anya ay may malaking maaambag ang mga preso sa bansa para makatulong na maipatupad ang malawakang Clean Up drive sa Guimaras kung saan kumalat ang natapong langis dito ng Petron kamakailan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended