^

Bansa

‘Pekeng pirma’ sa Chacha sisilipin ng Senado

- Ni Rudy Andal -
Sinimulan ng Senado ang pagdinig sa panukalang Charter change kahapon kung saan inilatag ng United Opposition (UNO) sa pangunguna ni Makati Mayor Jejomar Binay ang mga dokumentong nagpapatunay na peke umano ang mga pirma sa inilunsad na signature campaign para sa People’s Initiative ng Sigaw ng Bayan.

Kahapon ay ibinulgar ni Binay na maging mga patay, preso at mga nasa abroad sa Makati at San Juan ay nakapirma sa signature campaign. May mga ebidensiya anya siya na ghost signature ang nakalap na mga pirma.

Nagsampa na rin ng falsification of public documents ang kampo ni Binay sa prosecutors office laban sa election registrar ng lungsod dahil sa pagsertipika nito sa lagda ng isang taong namatay na pero nagawang makapirma sa dokumentong sumusuporta sa Cha-cha.

Ayon naman kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate committee on constitutional amendments, revision of laws and codes and electoral reforms, mahalagang madinig ang mga interpretasyon ng mga constitutional experts kaugnay sa pagbalangkas nila ng batas kaugnay sa pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamaraan ng peoples initiative.

Pero sinabi ni Solicitor-General Eduardo Nachura na magkaiba ang kahulugan ng pag-amyenda, sa pagrebisa ng ating Saligang Batas.

Wika naman ni Sen. Franklin Drilon, ang kawalan ng enabling law para sa peoples initiative ang naging batayan ng Korte Suprema sa Santiago vs. Comelec kaya maituturing na "dead on arrival" ang isinusulong na Peoples Initiative ng Sigaw ng Bayan Movement at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP). Siniguro naman ni Comelec chairman Benjamin Abalos na dedesisyunan nila sa linggong ito ang isinampang petisyon ng Sigaw ng Bayan.

BAYAN

BAYAN MOVEMENT

BENJAMIN ABALOS

BINAY

COMELEC

KORTE SUPREMA

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

PEOPLES INITIATIVE

SIGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with