^

Bansa

MC 108 kukuwestyunin ng Senado sa SC

-
Idudulog ng Senado sa Korte Suprema ang patuloy na hindi pagdalo ng mga pinuno ng Gabinete sa mga ginagawang pagdinig ng dalawang kapulungan dahil sa pag-iral ng Memorandum Circular 108 ng Malacanang.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, maari nilang sampahan ng kaso sina DENR Sec. Angelo Reyes, DOH Sec. Francisco Duque, at NDCC Chairman Avelino Cruz, dahil sa hindi pagdalo sa ginawang pagdinig ng joint congressional committee on clean water act na pinamumunuan niya at ni Rep. Miles Roces.

Nilinaw din ni Sen. Cayetano na ang ginagawa nilang pagdining ay tungo sa paggawa ng batas hindi prosekusyon sa mga tauhan ng gobyerno.

Bukod sa tatlo, hindi rin dumalo sa nabanggit na pagdinig sina Chief Supt. Gerry Barias ng Western Visayas; Vice-Admiral Demetrio Ignacio, DENR Undersecretary for Planning and Policy, Dir. Malcolm Sarmiento ng BFAR, Engr. Ana Rivera, Supervising Health Program Officer ng DOH at ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at National Mapping and Resources Information Authority.

Nababahala din si Senate President Manuel Villar Jr. sa patuloy na pag-isnab ng mga pinuno ng naturang ahensya, kahit na ang kapakanan ng mga residente ng Guimaras ang nakataya.

Aniya, maari nilang iparating sa Korte ang isyu dahil lumalabas na mali ang interpretasyon ng mga opisyal ng gobyerno partikular na sa pagdalo sa mga imbestigasyon.

Idinagdag ni Villar, na mahalaga ang pagdalo ng mga ito, dahil dito niya balak kunin ang P1-B hanggang P2-B para sa pondo ng paglinis ng oil spill sa karagatan.

Samantala, tiniyak naman ni Clemente Cancio, may-ari ng M/T Solar 1 na may sapat silang pondo dahil mayroon silang seguro o insurance na nagkakahalaga mula US200M hanggang US300M dolyar na pwede rin pagkunan ng pera ng mga naapektuhang residente.

Aniya, bukod pa rin dito ang insurance ng Petron, na siyang komontrata sa kanila para sa shipment ng may 2M litro ng bunker oil.

Sinabi pa ni Cancio, at ni Atty. Jesus Laurel, Vice President for Legal and External Affairs, ng Petron Corporation na wala silang balak takbuhan ang kanilang pananagutan. (Rudy Andal)

ANA RIVERA

ANGELO REYES

ANIYA

CHAIRMAN AVELINO CRUZ

CHIEF SUPT

CLEMENTE CANCIO

FRANCISCO DUQUE

GERRY BARIAS

JESUS LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with