^

Bansa

Nursing Board pinababalasa ni GMA

-
Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo sa Professional Regulatory Commission (PRC) ang pagbalasa sa Board of Nursing (BON) na nangasiwa sa kontrobersyal na nursing board exam noong June 11-12 na sinasabing nagkaroon ng leakage.

Inatasan ni PGMA si PRC chairperson Leonor Tripon-Rosero na bukod sa pagbalasa sa BON ay dapat maparusahan ang sinumang mapapatunayang sangkot sa sinasabing ‘leakage’ sa nakaraang nursing board exam.

Sinabi din ng Pangulo na magpapalabas na siya ng executive order kung saan ay dapat sumailalim sa regulasyon ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga review centers.

Iminungkahi naman ni Presidential Adviser on Education Mona Valisno na maamyendahan ang umiiral na R.A 8981 para maihiwalay sa PRC ang paghahanda sa anumang board examination.

Isang bagong opisina ang lilikhain sa ilalim ng PRC na siyang titiyak na ang mga pagsusulit ay maiaakma sa pandaigdig na pamantayan ng bawat propesyon at hindi magkakaroon ng conflict of interest ang mga miyembro nito.

Inabswelto naman ni Mrs. Arroyo ang PRC chief sa pinakahuling kontrobersya dahil naging maayos naman ang pinangasiwaan nitong pagsusulit at natatanging ang huling nursing board exam lamang ang nagkaroon ng problema. (Lilia Tolentino)

BOARD OF NURSING

EDUCATION MONA VALISNO

HIGHER EDUCATION

IMINUNGKAHI

LEONOR TRIPON-ROSERO

LILIA TOLENTINO

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with