P10M gagastusin sa retake
August 28, 2006 | 12:00am
Humirit ang Malacañang sa Kongreso na bigyan ng supplemental budget ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa isinusulong nilang retake sa 2006 Nursing Licensure Exam.
Ayon kay Dante Ang, head ng Presidential Task Force on National Licensure Examinaton, aabutin lang naman umano ng P7 hanggang P10 milyon ang magagastos sa retake. Gayunman, nagbanta si Ang na hindi pakukuhanin ng retake ang mga examinees na mapapatunayang nakinabang sa "leakage."
Una nang sinabi ng Senado na posibleng suportahan nito ang retake ng nursing examination kapag napatunayang halos lahat ng test items sa nakaraang pagsusulit ay mayroon umanong leakage. Padadalhan ng subpoena ng Senado ang mga opisyal ng Professional Regulatory Commission (PRC) at National Bureau of Investigation (NBI) upang dumalo ang mga ito sa ikatlong hearing ng komite sa Miyerkules.
Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, dapat lamang papanagutin ang mga opisyal ng PRC at Board of Nursing (BON) na mapapatunayang sangkot sa "leakage" gayundin ang mga review centers na nakinabang dito. Layunin ng komite na makabuo ng panukalang batas upang ma-regulate at makontrol ng gobyerno ang mga review centers na sinasabing P100 milyong business sa bansa.
Sa naunang dalawang hearing ay lumilitaw na ang nakinabang sa "leakage" para sa June nursing board exam ay ang Gapuz review center at Inress review center na pag-aari ng nag-resign na pangulo ng Philippine Nurses Association (PNA) na si George Cordero. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest