^

Bansa

Surprise witness sa nursing ‘leakage’ lumutang sa Senado

-
Isinangkot kahapon ng isang surprise witness ang isang mataas na opisyal ng Philippine Nursing Association (PNA) at may-ari rin ng nursing school na umano’y utak ng leakage sa nakaraang board examination.

Ayon kay Dennis Alba Bautista, BS Nursing graduate ng Philippine College of Health and Sciences, Inc. (PCHS) sa Recto, Maynila, ang "leakage" ng review center ay galing kay George Cordero, pangulo ng PNA at may-ari rin ng PCHS.

Sinabi ni Bautista na ipinagmalaki sa kanya ni Cordero na ang leakage na nakuha ng R.A. Gapuz Review Center ay galing lamang sa kanya matapos na mai-leak ito ng isang estudyante.

Si Cordero umano ang siyang humugot ng questionnaire sa nursing board examination mula sa kakutsaba nitong miyembro ng Board of Nursing (BON).

Lalong nalubog si Cordero ng ibunyag naman ni Letty Kuan, member ng BON na sa isang pagtitipon sinabi sa kanya ni Cordero na hindi umano siya mag-iinvest ng P7 milyon sa pagpapatayo ng nursing school at review center kung hindi mapapakinabangan ang koneksiyon sa PRC at BON.

Kinontra naman ni Sen. Richard Gordon nag boluntaryong pag-retake ng pagsusulit para sa mga nurses na iminungkahi ng PRC-BON dahil hindi ito ang solusyon sa problema. (Rudy Andal)

BOARD OF NURSING

CORDERO

DENNIS ALBA BAUTISTA

GAPUZ REVIEW CENTER

GEORGE CORDERO

LETTY KUAN

PHILIPPINE COLLEGE OF HEALTH AND SCIENCES

PHILIPPINE NURSING ASSOCIATION

RICHARD GORDON

RUDY ANDAL

SI CORDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with