^

Bansa

Bus owner, patung-patong ang kaso

-
Nahaharap sa patung-patong na kaso ang may-ari ng St. Rose bus na si Alladin Simundac na nahulihan ng mga pampasaherong bus na gumagamit ng kambal at pekeng mga plaka ng mga tauhan ng Traffic Management Group-National Capital Region (TMG-NCR).

Nabatid mula sa isinumiteng ulat ng LTO Region IV-A Lipa City sa tanggapan ni LTO chief Anneli Lontoc, ilan sa nakitang paglabag ng St. Rose bus ay ang illegal transfer of plate at sticker, delinquent registration, colorum, no body number, unauthorized of improvised plate,tampered sticker,illegal change of engine, maliban pa sa pagpayag ng pamunuan ng St Rose bus na magmaneho ang kanilang mga driver ng walang kaukulang lisensiya.

Ayon kay Lontoc, mayroong pananagutang kriminal at administratibo si Simundac dahilan upang kanilang irekomenda ang pagkansela sa prangkisa ng lahat ng unit ng bus company sa ahensiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Gayunpaman, upang matiyak na hindi magkakaroon ng ‘white wash’ sa kaso ng St. Rose bus nangako si Lontoc na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon at sila din umano ang isa sa tatayong complainants, maliban pa sa mga operatiba ng TMG-NCR na nakahuli sa illegal na operasyon ng St. Rose bus.

Matatandaan kamakailan na hinuli ng TMG-NCR sa pangunguna ni P/Sr. Supt. Rodolfo Ganzon ang may 11 bus unit ng St. Rose sa kanilang isinagawang operasyon dahil sa kaduda-dudang plaka at mga dokumento kabilang din ang pagkakabisto sa mga bus ni Simundac na gumagamit ng kambal plaka.

A LIPA CITY

ALLADIN SIMUNDAC

ANNELI LONTOC

BUS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LONTOC

RODOLFO GANZON

SIMUNDAC

ST. ROSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with