Kinilala ni Labor Secretary Arturo Brion ang Pinay na si Avelina Aquino, caregiver at kasalukuyang nagpapagaling sa Maharia Hospital sa Northern Israel.
Samantala, inihahanda na ng embahada ng Pilipinas sa Israel ang posibilidad na paglilikas sa may 4,000 manggagawang Pinoy doon matapos ang walang puknat na pagbira ng Hezbollah forces.
Umaabot na sa 4,184 OFWs ang nakauwi sa bansa kapag dumating ang 450 Pinoy evacuees bukas.
Kasabay nito, humiling kahapon ng dagdag na puwersa ng pulisya ang embahada ng bansang Israel laban sa posibleng pag-atake ng mga Hezbollah symphatizers sa Makati City.
Bumuo na ang PNP ng Task Force Diplomatic Security na magbabantay sa lahat ng embahada ng ibat ibang bansa laban sa terorismo. Nasa 68 ang bilang ng mga embassy na matatagpuan sa Makati.
Nagdagdag din ng puwersa ng pulisya sa tanggapan ng Consulate Office of Lebanon na nasa Muntinlupa City. (Gemma Garcia/Ellen Fernando/Lordeth Bonilla)