^

Bansa

Bakla bawal mag-enrol sa San Beda

-
Kinastigo kahapon ng mga senador ang mga ipinapairal na patakaran sa San Beda College na bawal makapag-enrol sa kanilang paaralan ang mga bakla.

Sa pagdinig ng Senate committee on labor and employment hinggil sa iba’t ibang panukalang batas laban sa diskriminasyon sa mga miyembro ng third sex, nabigla sina Sens. Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada na may kolehiyo palang hindi tumatanggap ng bading sa kanilang paaralan.

Sa naturang hearing ay ibinunyag ni Jonas Bagas ang ipinapairal na "masculinity test" sa San Beda upang hindi makapasok ang mga bakla sa naturang paaralan.

Ayon kay Bagas ng Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network, ang mga enrollees umano sa nasabing kolehiyo ay sinusuri muna kung makikitaan ng senyales ng kabaklaan bago tanggapin.

Kung bagsak sa masculinity test ang aplikante subalit mataas naman ang kanilang academic grade, papipirmahin naman ito sa "pink contract" kung saan hindi nila dapat labagin ang mga restrictions at kung hindi sila’y mapapatalsik.

Sa kabila ng masculinity test na ito, marami pa rin umanong mga bakla ang nakakapasok sa San Beda dahil sa pagkukunwaring mga tunay na lalaki.

Umaasa ang grupo na mapagtitibay ang panukalang batas sa Senado na magbibigay proteksiyon sa mga miyembro ng third sex. (Rudy Andal)

AYON

JINGGOY ESTRADA

JONAS BAGAS

KINASTIGO

LESBIAN AND GAY LEGISLATIVE ADVOCACY NETWORK

RUDY ANDAL

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with