^

Bansa

‘Pagsabog ng bulkan walang kinalaman sa full moon’

-
Ipinaliwanag kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum na walang katotohanan ang report na sinabi niyang sasabog ang bulkang Mayon kasabay ng kabilugan ng buwan.

Ayon kay Solidum sa isang panayam, walang kinalaman ang pagbilog ng buwan sa inaasahang pagsabog ng bulkan dahil anumang oras, araw man at gabi ay maaaring sumabog ito.

Ang taya ng panahon at pagbilog ng buwan ay wala anyang kinalaman sa anumang mga pagkilos ng bulkan at walang kinalaman sa anumang nakikitang aktibidades sa alinmang bulkan sa buong bansa.

Sa latest monitoring ng Phivolcs sa Mayon sa nakalipas na 24 oras ay bumaba ang naitala nitong volcanic quakes na 21 mula sa dating 109. Bumaba rin ang naitalang sulfur dioxide emission na 7,829 tones per day mula sa dating 12,745 tones.

May 294 tremor episodes din ang naitala sa bulkan at naluluwa ng mainit na lava blocks mula sa lava deposits papunta sa direksiyon ng Mabinit at Bonga channel.

Nananatili namang nasa alert level 4 ang bulkan na nangangahulugan ng inaasahang pagsabog anumang oras. Nananatili namang ipinapairal ang 8-kilometer danger zone sa may hilagang-silangan ng bulkan at 7-kilometer danger zone mula sa summit crater.

Kabilang ang Mayon sa 22 aktibong bulkan sa bansa at 47 beses nang sumabog, ang pinakahuli ay noong Hunyo 2001. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BONGA

BULKAN

BUMABA

MAYON

NANANATILI

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

RENATO SOLIDUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with