^

Bansa

5 Mayon rescuers inambus!

-
Sinamantala ng New People’s Army (NPA) ang pagiging abala ng mga sundalo na nagsasagawa ng humanitarian mission sa mga residente na apektado ng bulkang Mayon matapos paulanan ng bala ng 20 rebelde ang himpilan ng 901st Infantry Brigade sa Daraga, Albay nitong Martes ng gabi.

Hindi pa tinukoy ni Army spokesman Major Ernesto Torres Jr. ang pangalan ng limang sugatang sundalo na kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).

Kasabay nito, kinondena ni Brig. Gen. Arsenio Arugay, Commanding General ng 9th Infantry Division (ID) at Task Force Mayon Chief ang nasabing pag-atake.

"Hindi na nga sila nakakatulong, nakakaperwisyo pa," sabi ni Arugay kasabay ng pag-alerto sa tropa ng pamahalaan laban sa posible pang pagsasamantala ng mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni Torres na gumamit ang mga rebelde ng grenade launchers at automatic rifles sa pangha-harass sa naturang detachment. Anya, ang pag-atake ay patunay lamang ng tunay na kulay sa pagiging terorista ng mga ito.

Nagkaroon ng 10 minutong putukan bago nagsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kasamahan. (Joy Cantos At Ed Casulla)

ARSENIO ARUGAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

COMMANDING GENERAL

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS AT ED CASULLA

MAJOR ERNESTO TORRES JR.

NEW PEOPLE

TASK FORCE MAYON CHIEF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with