Malacañang nagbabala sa text scam
August 8, 2006 | 12:00am
Nagbabala muli ang Palasyo sa publiko na huwag magpapaloko sa text scam na ginagamit umano ang charity foundation ni Pangulong Arroyo.
Ipinalabas ang babalang ito matapos makatanggap ng sulat si Assistant Secretary Juris Umali-Soliman ng tanggapan ng Unang Ginoo mula kay Sis. Ma. Elvira Venturina na ipinabatid na naging biktima siya ng text scam.
Sinabi ni Sis. Venturina, nakatanggap siya ng text message mula sa isang nagngangalang Sec. Manuel Manding na siya daw ay nanalo ng 2nd prize sa raffle ng Special Division ng GMA Charity Foundation of the Philippines na may opisina sa 28th floor, 2004 Salcedo Tower, 169 H.V. dela Cuesta St., Salcedo Village, Makati City.
Pinaniwala ang biktima na nanalo nga siya sa raffle draw kung saan ay pinaghahanda siya ng 2x2 picture, birth certificate at sedula saka sinabihang magpadala ng 3 piraso ng pre-paid card ng Smart at Globe sa cellular number ni Manding sa 0919-7867906 at sa pag-aakalang totoo sumunod ang madre dahil gusto niyang makakuha ng pondo para makatulong sa Mindanao pero hindi na siya kinontak ng tao at nawala na ang kanyang P1,800.
Hiniling naman ni Asec. Soliman sa NBI na imbestigahan ang nasabing text scam kasabay ang babala sa publiko na huwag maniniwala sa grupong ito na ginagamit ang pangalan ng Pangulo para makapanloko. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended