Safehouse ni Honasan sinalakay
August 8, 2006 | 12:00am
Sa ikatlong pagkakataon, nakatakas muli si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan, binansagang mastermind sa coup plot matapos salakayin ng mga awtoridad ang safehouse nito sa hacienda na nasa isang isla sa Batuan sa lalawigan ng Masbate kahapon ng umaga.
Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief Director Jesus Versoza, dakong alas-6:45 ng umaga ng salakayin ng pinagsanib na elemento ng CIDG 5 at Regional Intelligence Office (RIO) 5 ang farm na pag-aari ng pamilya nito sa Ticao Island, Batuan ng nasabing probinsiya.
Si Honasan may patong sa ulong P5-M ay wanted kaugnay sa nabigong coup de etat sa kontrobersyal na Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003 at sa nasilat na panibagong kudeta nito namang Pebrero 24 ng taong ito.
Ayon sa mga awtoridad, base na rin sa ilang mga dokumento at testimonya ng mga kanilang mga witness ay si Honasan ang utak ng naturang mga kudeta o tangkang pagpapabagsak sa kapangyarihan laban sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Versoza na nabigo ang kanyang mga tauhan na masakote si Honasan matapos itong huling mamataang nagtatago sa nasabing lugar pero sa kabila nito ay tatlong caretaker ang kanilang inaresto at isinailalim sa masusing interogasyon.
Nakilala ang mga ito na sina Menardo Asis, Rodrigo Girutas at Roberto Santuana.
Nasamsam rin sa raid ang limang armas na kinabibilangan ng isang baby armalite na may telescope, dalawang cal .38 revolver, isang cal 22 revolver, isang rifle grenade at isang silencer.
Magugunita na nitong mga nakalipas na buwan ay nagawa ring makatakas ni Honasan sa dragnet operation ng pulisya sa Negros Occidental at sa Sorsogon. Patuloy naman ang pagsuyod ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa iba pang mga lugar na posibleng pinagtataguan ng wanted na dating opisyal. (Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended