^

Bansa

P25-M pansuhol sa konseho, ibinuko

-
Nagpakawala ng humigit kumulang 25 milyong piso ang mga pangunahing opisyales ng PSBA-Cubao na isinasangkot sa Yamashita treasure hunting bilang panuhol sa mga konsehal na miyembro ng Blue Ribbon Committee ng Quezon City council kapalit ng paborableng desisyon sa PSBA.

Ito ang kinumpirma ni 3rd District Councilor Dante De Guzman, chairman ng komite matapos makipagkita sa isa niyang staff ang ipinadalang emisaryo nina Atty. Benjamin Paulino at Juan Lim.

Ayon kay Coun. De Guzman, nakahanda umano ang PSBA na magkaloob ng P1 milyon kapalit ng pagpabor nito sa kaso ng treasure hunting expedition at 200 scholarship grants ng PSBA sa kanyang mga constituents.

Ani De Guzman, maliban sa panunuhol sa kanya, may nakalaan din umanong tig-kakalahating milyong piso at 100 scholarships ang PSBA sa mga konsehal na miyembro ng komite kung hindi pipirma ang mga ito sa resolusyon.

Isa umanong nagngangalang Nick Sabari na malapit na kaibigan ni Atty. Benjamin Paulino ang siyang lumalakad para suhulan ang hanay ng Blue Ribbon Committee, habang ang chief security naman ni Juan Lim na nakilalang si Romeo Rafer ang siyang nag-aalok ng scholarship sa mga konsehales. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANI DE GUZMAN

BENJAMIN PAULINO

BLUE RIBBON COMMITTEE

DE GUZMAN

DISTRICT COUNCILOR DANTE DE GUZMAN

JUAN LIM

NICK SABARI

QUEZON CITY

ROMEO RAFER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with