Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPGMA, simula sa Lunes (Agosto 1) ay ipapatupad nila ang karagdagang P2.50 kada kilong pagtaas o P27.50 kada tangke ng LPG.
Sinabi ni Ty, napilitan silang itaas muli ang presyo ng LPG dahil na rin sa patuloy na paglobo ng presyo ng contract price nito sa pandaigdigang pamilihan.
Wika pa nito, nakapagbigay na sila ng advisory sa Department of Energy (DOE) para sa pagpapatupad ng panibagong pagtaas ng presyo.
Sa kasalukuyan ay umaabot sa $502 kada metric ton ang presyo nito sa world market kumpara sa dating $470 per metric ton na mas mataas ng $32 sa presyo noong nakalipas na buwan. (Edwin Balasa)