^

Bansa

Presyo ng LPG tataas uli sa Lunes

-
Muli na namang tataas ang presyo ng LPG sa susunod na buwan matapos itong ihayag ng grupong Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA).

Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPGMA, simula sa Lunes (Agosto 1) ay ipapatupad nila ang karagdagang P2.50 kada kilong pagtaas o P27.50 kada tangke ng LPG.

Sinabi ni Ty, napilitan silang itaas muli ang presyo ng LPG dahil na rin sa patuloy na paglobo ng presyo ng contract price nito sa pandaigdigang pamilihan.

Wika pa nito, nakapagbigay na sila ng advisory sa Department of Energy (DOE) para sa pagpapatupad ng panibagong pagtaas ng presyo.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa $502 kada metric ton ang presyo nito sa world market kumpara sa dating $470 per metric ton na mas mataas ng $32 sa presyo noong nakalipas na buwan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AGOSTO

ARNEL TY

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

LIQUIFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION

MULI

PRESYO

SINABI

TY

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with