Ang mga inirekomenda nina Manila City Prosecutor Jhosep Lopez at 2nd Asst. City Prosecutor Rector Macapagal ay sina Fraport AG executives Wilhelm Brender at Bernard Struck; PIATCO and Peoples Cargo Warehousing Co. Inc. majority owner Cheng Yong; Jefferson Cheng at Stephan Bauschpiess ng Philippine Airport and Ground Services ; PIATCO president Henry Go; Oscar Lopez Dee, Rolando Esguerra ng Equitable Banking Corp., Remy Tigulo ng SB Capital Investment Corp.; Hiroshi Kanematsu ng Nissho Iwai Corp.; Lim Kwee Siah ng Chuan Hup Inc; Tony King, Nilo Pena, Antonio Pacis at Jose Perpetuo.
Inirekomenda ng korte ang piyansang P6,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga respondents na kinasuhan sa paglabag sa article 186 ng Revised Penal Code.
Nilabag umano ng PIATCO ang Amended and Restated Concession Agreement (ARCA) sa pagpapatakbo at pag-finance sa NAIA 3. Magugunita na ibinasura ng Korte Suprema noong May 5, 2003 ang kontrata ng PIATCO sa gobyerno dahil sa umanoy illegal na kontrata. (Grace dela Cruz)