Sinabi ni Speaker de Venecia, hindi dapat siya akusahan na hinaharang ang impeachment complaint laban kay PGMA dahil kaagad niyang ipinadala sa komite ang nasabing reklamo ilang minuto matapos magsimula ang sesyon ng Kamara.
Inakusahan si de Venecia ng oposisyon na inuupuan lamang nito ang anim na impeachment complaint na inihain ng ibat ibang organisasyon at personalidad laban sa Pangulo.
Ang anim na impeachment complaint ay hiwa-hiwalay lamang isinumite sa tanggapan ni House secretary-general Roberto Nazareno subalit pare-pareho lamang ang nilalaman ng nasabing reklamo. (Malou Escudero)