^

Bansa

Anim na impeachment complaint umusad na

-
Ipinadala na kahapon ni House Speaker Jose de Venecia ang anim na impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo sa House committee on justice sa pagsisimula ng sesyon kahapon.

Sinabi ni Speaker de Venecia, hindi dapat siya akusahan na hinaharang ang impeachment complaint laban kay PGMA dahil kaagad niyang ipinadala sa komite ang nasabing reklamo ilang minuto matapos magsimula ang sesyon ng Kamara.

Inakusahan si de Venecia ng oposisyon na inuupuan lamang nito ang anim na impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang organisasyon at personalidad laban sa Pangulo.

Ang anim na impeachment complaint ay hiwa-hiwalay lamang isinumite sa tanggapan ni House secretary-general Roberto Nazareno subalit pare-pareho lamang ang nilalaman ng nasabing reklamo. (Malou Escudero)

HOUSE SPEAKER JOSE

INAKUSAHAN

IPINADALA

KAMARA

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROBERTO NAZARENO

SINABI

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with