^

Bansa

‘Pack up & Run!’ — GMA

-
"Pack up and run! This is forced evacuation!"

Ito ang mariing utos ni Pangulong Arroyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ipatupad sa lahat ng mga manggagawang Pinoy sa Lebanon.

Ang direktiba ay kasunod ng ipinadalang feelers ng Israel na papasukin na ng kanilang ground troops ang Southern Lebanon kaya kung mayroon pang natitirang mga Pinoy sa naturang lugar ay dapat nang magsi-alis.

Ayon kay Foreign Affairs Usec. Esteban Conejos, nakataas na sa alert level 4, na ang ibig sabihin ay "mass evacuation," ang sitwasyon sa southern Lebanon dahil na rin sa bagong planong pagpapakawala ng missiles at rockets ng Israeli Defense Force kaya sapilitan na ang gagawing pagpapaalis sa mga Pinoy.

Nabatid na nasa 2,000 Pinoy ang tinatayang nasa southern Lebanon kaya nananawagan ang DFA na umalis na ang mga ito para sa kanilang sariling kaligtasan.

Ayon naman kay Foreign Affairs spokesman Gilbert Asuque, inatasan na ng DFA ang embahada sa Beirut na madaliin ang mandatory evacuation sa southern Lebanon at tiyaking wala ni isang maiiwan.

"All Filipinos, get out of there and go to the embassy or the relocation sites," pahayag ni Asuque.

Samantala, naantala ang nakatakdang pagdating kahapon ng may 300 OFWs mula sa Lebanon matapos magka-aberya sa sasakyan nilang eroplano. Kinailangan nilang magpalit ng eroplano mula sa Emirates Airlines 11 sa bagong Airlink A310.

Na-delay naman ang kanilang pagsakay dahil kailangan pang kumuha ang mga ito ng clearance para sa isasagawang flight.

Posible umanong ngayong araw makarating ng Maynila ang grupo. (Lilia Tolentino At Ellen Fernando)

ALL FILIPINOS

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMIRATES AIRLINES

ESTEBAN CONEJOS

FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS USEC

GILBERT ASUQUE

ISRAELI DEFENSE FORCE

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with