^

Bansa

DepEd Union, Lapus mag-uusap

-
Pumayag nang makipag-usap ang Department of Education (DepEd) National Union kay incoming Secretary Jesli Lapus upang mapag-usapan at maayos ang hidwaan at kung ano ang nararapat para sa ika-uunlad ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pangulo ng may 40,000 miyembro ng DepEd Union, limang kondisyon ng unyon ang kanilang ilalatag, una ay walang halong pulitika sa gagawing pagpapatakbo sa DepEd, irespeto ang karapatan ng public sector unionism at ang agreement sa collective negotiations, transparency ng representasyon sa iba’t ibang komite ng DepEd, propesyonal na paghawak at pagpapatakbo ng ahensiya at pagpapatuloy ng ginawang reporma na pinalitan ng kalihim.

Ayon naman kay Lapus, payag siya sa mga kondisyones. Anya, kaya niyang patakbuhin ang nasabing tanggapan, bigyan lang siya ng pagkakataon.

Tutol ang grupo ni Alidon sa pagkakahirang ni Lapus at nagbanta ng sunud-sunod na protesta at pagharang dito sa araw na uupo ito sa Agosto 1. (Edwin Balasa)

AGOSTO

ALIDON

ANYA

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMINGO ALIDON

EDWIN BALASA

LAPUS

NATIONAL UNION

SECRETARY JESLI LAPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with