4 Magdalo kumalas sa abogado
July 22, 2006 | 12:00am
Inaasahang madadagdagan pa ang hanay ng mga nagrebeldeng sundalo na magbalik-loob sa gobyerno kasunod ng ginawang pagsibak ng apat pang Magdalo soldiers sa kanilang abogado.
Sa hindi ipinaliwanag na dahilan, tuluyan nang tinapos nina Capt. John Andres, 1Lt. Audie Tocloy at 2ndLt. Jess Tacio ang serbisyo ni Atty. Theodore Te sa paghawak ng kanilang mga kaso sa Makati Regional Trial Court at General Court Martial ng AFP.
Maliban kay Andres na naka-confine sa ospital, ang dalawa ay nakakulong sa Army headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City.
Kasunod nito ay inamin din ni Atty. Roel Pulido na ipinarating na rin sa kanya ng kamag-anak ni 1Lt. Von Rio Tayab na pinuputol na ang kanyang serbisyo.
Nauna nang binitawan ng 15 Magdalo ang serbisyo nina Te at Pulido para muling bumalik sa pamahalaan kasunod ng pagbaligtad ng mga mutineers na sina Capts. Gerardo Gambala at Milo Maestrocampo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended