Sa pahayag ni Lapus, napaka-kritikal kung paano patataasin ang palalang kalidad ng edukasyon at para baguhin ang sistema ay kinakailangan ng malaking pagbabago sa departamento.
Dahil dito mas tututok si Lapus sa managerial na puwesto na kinabibilangan ng mga school superintendent at principals at kung kinakailangang magkaroon ng pagbabawas hanggang sa central office ay kanilang gagawin tumaas lang ang kalidad ng edukasyon.
Sasailalim din sa training at seminars ang mga guro upang mas lumawak ang kaalaman ng mga ito.
Tutol ang mga guro, empleyado at opisyal ng DepEd na isa na namang pulitiko ang humawak ng posisyon sa kagawaran. (Edwin Balasa)