Ayon kay Michael Eric Castillo, pinuno ng Partido Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas Education Committee, marami umano sa mga Pinoy ngayon ang hindi makayanan ang pag-aaral sa isang unibersidad dahil sa mataas na tuition fee.
At sa kabila na gumagasta ng bilyong piso ang pamahalaan upang makapag-produce ng mga professional sa bansa ay lumalabas pa rin ang mga ito upang makahanap ng mas magandang kita.
Mula sa 78 state colleges at universities ay dapat gawin na lamang itong 50 at ang iba dito ay i-convert sa technical at vocational schools.
Iminungkahi rin ng grupo sa CHEd na makipag-ugnayan sa mga negosyante at labor managers upang tumaas ang demand sa paggawa sa hinaharap.
Una ng inamin ni CHEd Chairman Dr. Carlito Puno na sa 350,000 graduates ng kurso ng pagtuturo ay 40,000 lamang dito ang nakapagtatrabaho ng education-related course. (Doris Franche)