^

Bansa

Pinas kinakapos na sa mga hukom

-
Hindi lamang sa mga doktor, nurse at guro kinakapos ang gobyerno kundi pati hukom ay kinukulang na ang bansa.

Sa talaan ng Office of the Court Administrator (OCA), umaabot sa 618 hukom ang bakante sa Regional Trial Courts, Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Circuit Trial Courts, Municipal Trial Courts, Shari’a District Court at Shari’a Circuit Court.

Pinakamalaking bilang na kulang sa huwes ang National Capital Region kung saan 24 ang kailangan sa Pasay RTC, 22 sa Manila RTC, 7 sa Pasig RTC at 5 sa Quezon City RTC.

Dahil dito, nananawagan si SC Chief Justice Artemio Panganiban na chairman din ng Judicial and Bar Council sa mga miyembro ng Philippine Bar na tumulong sa JBC upang mapunan ang mga bakanteng puwesto.

Iginiit ni Panganiban na patuloy ang kampanya ng JBC para sa panghihikayat sa mga nais maging hukom sa pamamagitan nang pakikipag-dayalogo sa iba’t ibang grupo ng mga abogado. (Grace dela Cruz)

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

CIRCUIT COURT

DISTRICT COURT

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

METROPOLITAN TRIAL COURTS

MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURTS

MUNICIPAL TRIAL COURTS

NATIONAL CAPITAL REGION

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

PHILIPPINE BAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with