^

Bansa

‘Kung ayaw ni’yo kay Lapus, magbitiw kayo’

-
Hinamon ni House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles ang mga empleyado at opisyal ng Department of Education (DepEd) na magbitiw sa kanilang mga tungkulin kung hindi nila matanggap ang paghirang kay Tarlac Rep. Jesli Lapus bilang bagong kalihim.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cerilles na walang karapatan ang mga aroganteng empleyado at opisyal ng kagawaran na ipilit kung sino ang kanilang napipisil bilang punong opisyal dahil nakaatang sa balikat ng Pangulo ang nasabing pribilehiyo.

Aniya, ang mga miyembro ng Gabinete ay mga opisyal na pamilya ni Pangulong Arroyo kaya tanging ang Punong Ehekutibo lamang ang maaaring pumili kung sino ang napipisil nitong mamahala sa isang tanggapan ng pamahalaan.

Ipinagdiinan pa ng kongresista na bukas ang pinto ng kagawaran para sa mga opisyal at kawani ng DepEd na hindi kayang tanggapin ang pagkakaluklok ni Lapus.

Naniniwala si Cerilles na hindi naman patas para kay Lapus ang mga batikos na tinatanggap nito dahil matibay at may kakayahan ang kongresista upang pamunuan ang nasabing tanggapan. (Malou Escudero)

CERILLES

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER ANTONIO CERILLES

JESLI LAPUS

LAPUS

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PUNONG EHEKUTIBO

TARLAC REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with