^

Bansa

Hukom na sinibak dahil sa ‘kabit’ umapela

-
Humirit sa Supreme Court (SC) ang hukom na una nang sinibak dahil sa pagkakaroon umano ng "kabit" at dalawang anak sa labas upang ibalik ito sa posisyon.

Sa isinumiteng motion for reconsideration ni Judge Clarence Villanueva ng Baguio City Regional Trial Court (RTC), hiniling nito sa SC na bawiin ang unang desisyon noong Hunyo 26, 2006 na sinisibak siya sa puwesto.

Sa rekod ng korte, isinumbong ni Judge Ruben Ayson sa SC si Judge Villanueva dahil sa umano’y imoral nitong relasyon sa isang babae kung saan nagkaanak pa ito ng dalawa.

Gayunman, iginiiit ni Villanueva na hindi niya kilala ang nasabing babae at itinangging mga anak nito ang dalawang bata.

Iginiit pa nito na hindi umano dapat tanggapin ang mga isinumiteng dokumento ni Judge Ayson dahil hindi ito authenticated.

Hirit pa ni Villanueva, masyadong naging malupit ang kaparusahang ipinataw sa kanya gayong sa loob ng 20 taon niyang serbisyo sa gobyerno ay ngayon lamang may nagreklamo sa kanya.

Maliban dito, kung hindi anya babaguhin ng SC ang sentensiya laban sa kanya ay higit na magdurusa ang kanyang asawa at anim na mga anak. (Grace dela Cruz)

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

CRUZ

GAYUNMAN

HIRIT

JUDGE AYSON

JUDGE CLARENCE VILLANUEVA

JUDGE RUBEN AYSON

JUDGE VILLANUEVA

SUPREME COURT

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with