Ito ay matapos ibasura ng SC ang inihaing motion for reconsideration ng Equitable PCI Bank laban sa naturang desisyon.
Ayon sa SC, wala ng bagong isyung inilahad ang nasabing bangko sa inihain nitong motion dahil natalakay na itong lahat ng SC sa mga nauna nitong deliberasyon.
Dahil dito, mananatiling miyembro ng board of directors ng Equitable PCI Bank si Atty. Ferdinand Martin Romualdez dahil dati na itong kinatawan ng TMEE.
Magugunita na ipinag-utos ng SC sa Equitable PCI Bank na baguhin ang resulta ng isinagawang election para sa board of directors ng nabanggit na bangko noong May 23, 2006.
Ipinaliwanag ng SC na umabuso ang Sandiganbayan sa kapangyarihan nito nang pagbawalan ang Trans Middle East na gamitin ang kanilang shares upang sumali sa naturang election.
Ang nasabing kumpanya ang umanoy may hawak ng mahigit na P6M shares na sapat para makapaglagay ito ng isang kinatawan sa board of directors. (Grace dela Cruz)