^

Bansa

Romualdez mananatili sa Board of Directors ng Equitable PCI

-
Tuluyan ng pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang nauna nitong desisyon na nagpapahintulot sa Trans Middle East Equities Inc. o TMEE na makapaglagay ng isang kinatawan sa board of director ng Equitable PCI Bank.

Ito ay matapos ibasura ng SC ang inihaing motion for reconsideration ng Equitable PCI Bank laban sa naturang desisyon.

Ayon sa SC, wala ng bagong isyung inilahad ang nasabing bangko sa inihain nitong motion dahil natalakay na itong lahat ng SC sa mga nauna nitong deliberasyon.

Dahil dito, mananatiling miyembro ng board of directors ng Equitable PCI Bank si Atty. Ferdinand Martin Romualdez dahil dati na itong kinatawan ng TMEE.

Magugunita na ipinag-utos ng SC sa Equitable PCI Bank na baguhin ang resulta ng isinagawang election para sa board of directors ng nabanggit na bangko noong May 23, 2006.

Ipinaliwanag ng SC na umabuso ang Sandiganbayan sa kapangyarihan nito nang pagbawalan ang Trans Middle East na gamitin ang kanilang shares upang sumali sa naturang election.

Ang nasabing kumpanya ang umano’y may hawak ng mahigit na P6M shares na sapat para makapaglagay ito ng isang kinatawan sa board of directors. (Grace dela Cruz)

AYON

CRUZ

DAHIL

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

IPINALIWANAG

MAGUGUNITA

SUPREME COURT

TRANS MIDDLE EAST

TRANS MIDDLE EAST EQUITIES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with