Dahil dito, umapela ang ilang mga concerned employees ng DPWH kay Secretary Hermogenes Ebdane na paimbestigahan ang nasabing ahensiya at pagre-resign ng mga empleyado sa Road Right of Way na sangay ng nasabing ahensiya na may budget na bilyon-bilyong piso para sa pagbabayad sa mga tinamaan ng mga road projects ng gobyerno.
Ang pagkalagas ng mga empleyado sa Road Right of Way ay indikasyon umano na may nangyayaring hokus-pokus sa departamento na pinaniniwalaang ikinalulugi ng pamahalaan ng bilyon-bilyong piso.
Hinihiling din ng grupo kay Sec. Ebdane na ire-assign ang hepe ng Road Right of Way na si Patrick Gatan para maimbestigahan ng maigi at mabungkal ang mga anomalya sa nasabing section ng DPWH.
"Nagkakagulo ngayon ang mga empleyado sa Road Right of Way at sa pagkaka-delay ng mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan ay milyon-milyon ang nalulugi sa gobyerno araw-araw kaya dapat maisaayos na ang organisasyon at unahin ang pag-reassign at pagpalit kay Dir. Gatan para makita ni Sec. Ebdane ang malinaw na sitwasyon para mabigyan ng karampatang solusyon," pahayag ni Domeng Santos, isa sa mga kawani ng DPWH.
Malaking budget ng DPWH ang nakaukol sa Road Right of Way. Sa Mindanao lamang ay higit sa P3 bilyon ang nakalaan, sa Metro Manila ay hindi kukulangin ng P5 bilyon ang budget at sa South Luzon naman ay halos P1 bilyon.