Generals palalayasin sa JUSMAG housing
July 7, 2006 | 12:00am
Palalayasin na ng liderato ng Phil. Army ang mga dating heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) mula sa pinag-aagawang Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) housing sa Fort Bonifacio.
Kinumpirma ni Army Chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon na pinadalhan na nila ng eviction notice ang mga dating opisyal para lisanin ang kanilang mga quarters sa JUSMAG.
Nabatid na kabilang sa mga nakatira sa JUSMAG housing sina dating AFP Chief of Staff ret. Gen. Roy Cimatu, Benjamin Defensor at Diomedio Villanueva. Si Cimatu ay kasalukuyang special envoy sa Middle East, si Defensor ay Ambassador-at-Large on Counter-Terrorism at si Villanueva ay director ng Public Estates Authority (PEA).
Ang ownership sa JUSMAG ay kasalukuyan pang dinidinig sa Korte Suprema. Iginigiit ng grupo ng mga asawa ng mga opisyal ng AFP na nabili nila ang lupain sa halagang P11.9M noong 1991, pero ayon sa gobyerno ay pineke umano ang deed of sale ng titulo ng lupa.(Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended