Nicole sumalang na sa witness stand
July 7, 2006 | 12:00am
Isinalang na kahapon sa witness stand ang 22-anyos na si "Nicole" sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Subic rape case sa Makati City Regional Trial Court (RTC). Unang tinanong si Nicole tungkol sa kanyang pagkatao, kung sino ang kanyang biological father at kung paano niya nakilala ang umanoy gumahasa sa kanya na si Lance Corporal Daniel Smith.
Sa testimonya ng biktima, lasing na lasing siya dahil sa anim na ibat ibang uri ng alak na kanyang nainom. Inamin din niya na ilang beses niyang nakasayaw si Smith na nakilala niya sa pamamagitan ng isa ring sundalong Kano, na nobyo ng kanyang stepsister na si Anna Liza Franco, na nangyari nga sa loob ng Neptune Club.
Hindi na umano niya namalayan ang sumunod na pangyayari sa kanya at binalikan na lamang siya ng malay na nasa loob na ng van at nakapatong sa kanya ang isang lalaki na kinilala niyang si Smith. Dito na tuluyang nag-breakdown si Nicole dahilan para itigil pansamantala ang pagdinig at ituloy ngayon. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended