^

Bansa

Pinay DH na nahulog sa 18th floor sa Singapore kilala na

-
Kilala na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Pinay domestic helper na nasawi matapos mahulog mula sa ika-18 palapag ng isang residential building sa Singapore na umano’y itinulak ng kapwa Pinay noong June 30.

Sa report ni Ambassador Belen Anota mula sa embahada ng Pilipinas sa Singapore, ang nasawi ay si Sharon Villanel Pino, 28 anyos, tubong General Santos City.

Nasa pangangalaga naman ng Philippine embassy ang suspect na Pinay DH na si Stella Abella Concepcion matapos itong piyansahan ng kanyang employer.

Ayon sa Singapore police, dakong 10:38 ng umaga noong June 30 ng ipagbigay-alam sa kanila ang pag-aaway ng 2 Pinay DH sa 18th floor ng isang government housing complex.

Inabutan na lamang ng mga pulis ang bangkay ni Pino na halos madurog ang katawan at bale ang mga buto sa base ng gusali.

Nakikipag-coordinate naman ang ating embahada sa employment agency ni Pino para maiuwi na agad ang bangkay nito habang ginagawa din ng ating embassy ang puwedeng ipagkaloob na tulong kay Concepcion.

Hinihintay pa rin ng ating embahada ang opisyal na report ng pulisya kung aksidente o itinulak ni Concepcion si Pino kaya ito nahulog sa nasabing gusali. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AMBASSADOR BELEN ANOTA

AYON

CONCEPCION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

GENERAL SANTOS CITY

HINIHINTAY

PINAY

SHARON VILLANEL PINO

STELLA ABELLA CONCEPCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with