Sa ulat na ipinadala kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakapasok sa Dubai ang mga biktima sa pamamagitan ng tourist at visit visa na isinaayos ng mga Pinoy recruiter.
Sinasabing nagbayad ng malaking placement fee ang mga biktima dahil na rin sa pangakong magandang trabaho bilang mga saleslady at chambermaid ngunit pagdating sa Dubai ay ipinasok sila sa prostitusyon.
Ang mga Pinoy illegal recruiter din umano ang siyang pumapapel bilang mga "bugaw" ng mga biktima sa ibat ibang parukyanong Arabo sa loob ng pinagdalhang "casa" sa mga ito.
Kaugnay nito ay inalerto ng DFA ang mga opisyal ng ating embahada na direktang makipagtulungan sa Dubai police para isagawa ang manhunt operations sa mga Pinoy illegal recruiters doon.
Sinabi ni DFA spokesman Atty. Gilberto Asuque na nakakalungkot isipin na kapwa Filipino pa ang nagbubugaw sa mga biktima na sa halip tulungan ang isang kababayan ay isinasadlak pa sa kumunoy ng kahirapan sa pamamagitan ng sapilitang pagbebenta ng laman.