Sinabi ni Michael Eric Castillo, education committee chairman ng DSKP, maraming mga nagtapos ng kanilang pag-aaral ang nahihirapang makakuha ng trabaho dahil hindi tugma ang kanilang kurso sa pangangailangan ng ekonomiya.
Aniya, dapat gabayan ng Department of Education at Commission on Higher Education ang mga kabataang estudyante sa pagpili ng tamang kurso upang makakuha sila ng trabaho.
Sinabi pa ni Castillo, dapat pag-ukulan ng pansin ang technical at vocational courses na higit na kailangan sa industriyalisasyon.