Kaya ROTC hiling ibalik: Respeto, disiplina nawawala na sa kabataan
June 23, 2006 | 12:00am
Iminungkahi ng Demokratikong Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas sa Department of Education na muling gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corp. (ROTC) sa high school upang maibalik ang disiplina, paggalang at pagiging makabayan ng mga kabataan.
Ayon sa DSKP, unti-unti nang nawawala ang disiplina ng kabataan partikular na sa mga estudyante na nagdudulot sa kanila ng kawalan ng respeto sa pamahalaan at sa bansa na nagbubunsod naman ng kanilang pagkilos laban sa gobyerno.
Sinabi ni Michael Eric Castillo, head ng education and program committee ng DSKP, ang pambabastos kay Pangulong Arroyo noong nakaraang graduation rites sa Silang, Cavite at sa Phil. General Hospital noong nakaraang linggo ay palatandaan ng pagkakaroon ng "mal-education" ng mga estudyante na naimpluwensiyahan ng mga anti-democratic forces.
Dahil dito, ang nasabing insidente ay nangangailangan ng value re-orientation tungo sa pagdidisiplina at pagbabalik ng kultura sa mga kabataang naiimpluwensiyahan ng ilang sektor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest