Sina ret. Col. Romeo Lazo at ret. Col. Virgilio Briones kapwa may patong sa ulo na P500,000 ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 145 sa kasong rebelyon.
Ang dalawa ay kasama umano ni Honasan sa bigong Oakwood mutiny.
Ayon kay AFP-Public Information Office Col. Tristan Kison, unang nahuli si Lazo sa Novaliches, dakong 7:30 ng umaga nitong Sabado habang si Briones ay sa follow-up operation naman natiyempuhan bandang 1:30 ng hapon sa Tropical Hut restaurant sa Muñoz, pawang sa lungsod ng Quezon.
Maliban kay Honasan, pinaghahanap pa rin sina ex-Navy Capt. Felix Turingan, George Duldulao at Lina Reyes. Si Turingan ay mistah ni Honasan sa Philippine Military Academy (PMA) Class 71.
Samantalang sina Duldulao at Reyes ay kaanib sa Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) na ang founder ay si Honasan.
Nitong Abril 28 ay nasakote si PGBI spokesman Ernesto Macahiya sa isang operasyon sa Laguna. (Joy Cantos)