Ayon kay Connie Bragas Regalado, chairperson ng Migrante, malinaw umanong nagpapabaya ang ilang ahensiya ng pamahalaan dahil patuloy na nagaganap ang recruitment.
Sa impormasyon ng Migrante, magsisilbi umanong private army ang mga ni-recruit na OFW at prayoridad na tinatanggap ang mga dating pulis at sundalo kapalit ang P100,000 sahod kada buwan.
Sinasabing sa kabila ng panganib na nakaamba ay marami pa ring Pinoy ang nagnanais magtungo sa Iraq bunsod na rin umano ng kawalan ng trabaho na naibibigay ng gobyerno. (MLayson)