Batay sa resolution ng SC 3rd Division, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa implementasyon ng kautusan ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) na inisyu noong Dis. 22, 2005 at ang notice of coverage na may petsang Enero 2, 2006.
Alinsunod sa desisyon ng PARC, sapilitang isinasailalim ang Hacienda Luisita sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Pinayagan rin ng Korte ang HLI na sa halip na lupa ay shares of stocks muna ang ipamahagi nito sa mga magsasaka.
Kasabay nito ay inatasan ng SC ang HLI na maglagak ng P5 milyong cash o surety bond sa loob ng limang araw upang maging epektibo ang TRO.
Nagbabala ang SC na sa sandaling mabigo ang Hacienda na makapaghain ng nasabing halaga ay tatanggalin din ang nabanggit na TRO. (Grace dela Cruz)