Bulusan nagbuga na naman
June 15, 2006 | 12:00am
Nanguha na ng bato ang monitoring team sa palibot ng Bulusan Volcano para mabatid kung nalalapit na ang pinangangambahang malakas at mapanganib na pagputok nito. Sa report ng Office of Civil Defense (OCD), muli na namang bumuga ng makapal na abo ang Bulusan na may taas na 1.5 kilometro matapos ang ilang araw na pananahimik nito, kamakalawa ng gabi. Ayon sa Phivolcs, sa pamamagitan ng pagsusuri sa sample ng bato ay matutukoy ng mga volcanology expert kung tuluyan na itong puputok. Nananatiling pinaiiral ang alert level 2 sa palibot ng bulkan gayundin ang 4-kilometer permanent danger zone. (Joy Cantos/Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest