^

Bansa

12-anyos target i-recruit ng NPA

-
Puspusan ang isinasagawang pagre-recruit ng komunistang grupo ng New People’s Army (NPA) sa mga menor-de-edad upang punan ang patuloy na pagkalagas at pagbagsak ng kanilang hanay.

Batay sa intelligence report na nakalap ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), target ng panghihikayat na sumapi sa kilusan ang mga 12-17 anyos, babae o lalaki.

Napag-alaman pa kay AFP-Civil Relations Service chief Lt. Col. Oscar Lasangue na napupunta lamang sa armadong pakikibaka ang pork barrel na natatanggap ng mga party-list congressmen at ang malaking bahagi ng nasabing pondo ang pinambibili umano ng armas ng NPA.

Idinagdag pa ni Lasangue na ang mga kilos protesta na inilulunsad ng grupong Bayan Muna, Anakpawis, Anakbayan at iba pang militanteng grupo ay ginagamit na lamang na negosyo at hindi upang atakihin ang gobyerno.

Gaya ng pagbayad sa mga kada taong sasali sa welga ng halagang P100, na sinasabing P20 na lamang ang nakakarating sa mga ito dahil ang ibang bahagi ay naibubulsa na lamang.

Samantala, sinabi ni Lasangue na ang nagaganap na mga pagpatay naman sa mga kabaro ng kilusan ay isa umanong "propaganda."

"This is a propaganda war and a political war, full of deception. They (NPA leaders) kill their colleagues in the underground movement and gain media mileage," pahayag pa nito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANAKBAYAN

ANAKPAWIS

ANGIE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAYAN MUNA

CIVIL RELATIONS SERVICE

LASANGUE

NEW PEOPLE

OSCAR LASANGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with