^

Bansa

State of calamity idineklara: 1 patay sa Bulusan ashfall

-
Isang matandang lalaki ang nasawi matapos atakihin ng asthma sahi ng ashfall na ibinuga ng Bulusan volcano sa Casiguran, Sorsogon.

Sa report na tinanggap kahapon ng Office of Civil Defense (OCD), kinilala ang biktima na si Vicente Guevarra, 57.

Ayon sa OCD, sa pagsusuri ng mga manggagamot na tumingin sa matanda ay lumitaw na bronchial asthma ang ikinamatay ng biktima.

Sa salaysay ng pamilya nito sa mga awtoridad ay sinabing inatake ang biktima matapos na malanghap ang abo na ibinuga ng nag-aalburotong Bulusan.

Kahapon ay idineklara nang "calamity area" ang ibabang bahagi sa palibot ng bulkan dahil sa patuloy nitong pagbubuga ng ashfall.

Ayon kay Neri Amparo, operations chief ng OCD, patuloy ang kanilang pakikipagkoordinasyon sa mga kinatawan ng Department of Health (DOH) para mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

Nabatid sa opisyal na ang ibinubugang abo ay masama at nakapagpapahina sa baga ng sinumang indibidwal kaya ipinamamahagi ang mga dust mask sa lugar.

Ang bayan ng Casiguran ang pinakaapektado sa tatlong munisipalidad na binubugahan ng ashfall na kinabibilangan din ng Irosin at Juban. Dahil sa pagbubuga ng ashfall ay napinsala ang ilang mga kabahayan na inulan ng abo.

Nabatid na bagaman bahagyang kumalma ang nag-aalburotong bulkan nitong Huwebes ng gabi ay patuloy naman ang pag-usok ng crater nito at pagbubuga ng ashfall na may taas na 5,134 talampakan.

Sa kasalukuyan ay nasa ligtas na lugar ang mga residente pero pinaalalahanan ng Phivolcs na dumistansiya sa layong 4-kilometer danger zone mula sa paanan ng bulkan dahil sa nagbabadyang malakas na pagsabog nito upang maiwasan ang posibleng panganib. Ang bulkan ay nagpapakita ng abnormalidad na ayon sa mga opisyal ng Phivolcs ay nagbabadya ng sunud-sunod na mga pagsabog dahil sa pag-usok ng crater nito sanhi ng magma.

Sa ngayon ay nasa alert level 2 ang bulkan.

Sa tala, ang Bulusan ay may 15 beses na sumabog at panghuli ay noong Nobyembre 1994.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Phivolcs Director Renato Solidum ang report na may pag-aalburoto rin sa Mt. Taal at Mt. Mayon sa Albay.

Anya, nananatiling nasa alert level 1 ang naturang mga bulkan at walang dapat ipangamba ang mga residente.

Samantala, 22 bulkan din ang ikinokonsiderang aktibo sa Pilipinas na binansagang "Pacific Ring of Fire" o ang mga isla na nagtataglay ng mga volcanic activity sa Western Pacific. (Joy Cantos/Angie dela Cruz)

AYON

BULKAN

BULUSAN

CASIGURAN

DEPARTMENT OF HEALTH

JOY CANTOS

MT. MAYON

MT. TAAL

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with