^

Bansa

Phone bill ng solon umabot ng P.1-M

-
Umaabot sa P103,789.25 ang utang sa telepono ng isang bagitong Congressman para sa dalawang teleponong ginagamit niya sa kanyang opisina sa South Wing, Room 202 ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Isa sa mga milyonaryo sa Kongreso si Congressman at sikat na sikat din ang kanyang pamilya dahil sa kanyang Nanay, kaya imposibleng wala itong pambayad.

Ang isang telepono ni Congressman ay may kabuuang bill na P99,248.83 at ang isa ay P4,540.42.

In fairness kay Congressman, hindi lang naman siya ang may malaking utang sa telepono dahil ang trunk line ng House of Representatives na may numerong 9315001 ay may kabuuang bill na P689,323.20. Ang pinakahuling binayaran ng Accounting Dept. ng Kamara para sa nasabing linya ay P174,908.22 noong May 1, 2006.

Bukod pa sa trunk line na nag-uugnay sa iba’t ibang opisina sa Kamara sa pamama-gitan ng local number, may mga sariling direct lines ang mga mambabatas na hindi nababayaran ang bill at umaabot na sa milyong piso kung susumahin.

Ayon sa isang staff ng Accounting dept. na tumangging magpabanggit ng pangalan, lumobo sa mahigit kalahating milyon ang utang sa trunk line ng Kamara dahil ginagamit din ito sa long distance ng mga congressmen o staff nila.

Pero ikinakaltas naman anya sa suweldo ng mga congressmen kung may long distance sila sa kanilang local number.

May mga congressmen nga raw na P15,000 na lamang ang natatanggap mula sa kanilang P35,000 buwanang sahod dahil ang P20,000 ay napupunta sa long distance.

Hindi naman kasama sa mahigit na kalahating milyong utang ng Kamara para sa trunk line nito ang utang ng bagitong solon.

Mahilig lang kayang magtelebabad ang congressman na ito kaya umabot sa P103,789.25 ang phone bill niya? Ang bagitong solon ay walang iba kundi si… Honorable Mikey Macapagal-Arroyo ng 2nd district ng Pampanga at anak ni Pangulong Arroyo. Abangan! Solon na may mas malaking phone bill kaysa kay Mikey na umabot sa P162,356.33! (Malou Escudero)

vuukle comment

ABANGAN

ACCOUNTING DEPT

HONORABLE MIKEY MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAMARA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

SOUTH WING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with