Erap 5 sasalang sa DOJ
June 6, 2006 | 12:00am
Kumpirmadong haharap ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang Erap 5 sa isasagawang preliminary investigation ng mga ito sa kasong rebelyon.
Sinabi ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco na tiniyak ni Atty. Salvador Panelo na dadalo ang kanyang mga kliyenteng sina Virgilio Eutaquio, Ruben Dionisio, PO3 Jose Curameng, Dennis Ibona at Jim Cabauatan sa isasagawang preliminary investation sa mga ito.
Ayon kay Velasco, pinaalalahanan niya ang abugado ng Erap 5 ukol sa kahalagahan ng pagsusumite ng kanilang kontra-salaysay o counter-affidavit sa isinampang rebellion case sa mga ito upang maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili.
Aniya, posibleng maisampa agad ang kaso kapag nabigong humarap ang Erap 5 sa imbestigasyon ng DOJ ngayon. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended